Wednesday, October 12, 2005
Pressure pressuuurreee
Nag-uumpisa nang uminit ang rehearsals ng Romeo and Juliet. Both figuratively at literally (dahil
mainit talaga dun sa lugar kung saan kami nag rerehearse). Ngayon ko nararamdaman na napaka bata ko pa talagang artista. Oo magtetwenty na ako sa December, pero and layo layo ko pa sa hinihinging galing ng papel ko sa dula. Naalala ko noong auditions palang, tinanong na ako ni Sir Ricky kung kakayanin ko iyong pressure ng dulang ito. Yung kissing scene ay isang maliit na bahagi lamang ng pressure na tinutukoy niya.
Sa dula, kung minsan may eksenang mga pitong pahina, kung saan it is "juliet's scene" ika nga ni rekdi. Ang hirap pala maging bida. Ang yabang ng tunog pero, talaga. Mahirap. Dahil tungkulin mong panatilihing mataas ang energy ng lahat. Sayo rin nagmumula ang mga pabalibalikong pag ikot ng eksena mula sa isang emosyon papunta sa susunod na emosyon.
Araw araw, bago ako pumunta sa rehearsals, nagmememorya ako. Inaalala ang mga blocks. Inaaral ang mga obligasyon ng eksena. Iniisip ang mga maaaring makatulong na alaala upang maibigay ko ang hinihinging antas ng emosyon sa bawat eksena, o bawat linya! Madalas para na akong mababaliw. Dahil si Juliet, isang minuto masaya, pangalawang minuto natataranta, pangatlo umiiyak, panga apat nagagalit, pang lima nagsusungit, pang anim inlove at marami pang iba. kailangan ko tong magawa.
Maraming kissing scene sa dulang to. At hindi lang kissing scene kundi pati pagtatambling tambling sa kama. (for lack of a better term. haha). My point being, sa mga metikulosong manonood sa mga ganitong eksena, sana medyo lawakan natin ang ating pag-iisip. Wala pa naman akong naeengkwentrong ganito, inuunahan ko lang dahil ayoko nang makarinig ng ganon. Kung mahal mo ang isang tao, hindi mo ba gugustuhing halikan ito? Sa dinami dami nang obligasyon ng isang aktor, napakaliit na ng concern na ito. Romeo and Juliet are in love. And all this love happens in just four days, so just imagine how much passion they ought to have for each other. Bawal ang pumetiks petiks. Sa apat na beses na magkakausap si Romeo and Juliet, lahat ng pagmamahal nila para sa isa't isa ay kinakailangan nilang mapakita, dahil sa bawat pagkikitang ito alam nilang nasa palad sila ng panganib.
Maaaring isagot, oo pwedeng hindi mo halikan kahit mahal mo. (siyempre) pero tignan nalang natin ang mga tauhan na ginawa ni Shakespeare. Tsiong, nagpakamatay sila dahil sa pagmamahalan nila. See how extreme that is. If they're not gonna show passion, then who are we kidding?
Okay tama na... sa totoo lang, ako mismo nahihirapan ipakita ang passion na ito. Pero ang sarap magtrabaho. Kung minsan sa isang eksena, makakaramdam ka ng napakatotoong emosyon at doon manggaling ang lahat ng pag galaw na gagawin mo... sobrang worth it. Ang sarap umarte.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home