Tuesday, April 12, 2005
Ganun parin
Ang pag-arte pala, parang pamumuhay narin. Hindi mo pwedeng harapin sa isang eksena ang isang katotohanang hindi mo pa nahaharap sa sarili mong buhay. Pwede.. Pero halimbawa, kung hindi mo papayagan ang sarili mong maging "hubad" sa harap ng ibang tao, hindi mo rin maaasahang makakayanan mong magpahiwatig ng tunay na pagiging "hubad" sa harapan ng camera. Oo ganun. Ang labo ko magpaliwanag no?
Wala akong makuwento... Pano, para nanaman akong tuliro. Hindi ko nanaman maintindihan kung anung gusto kong mangyari. Kinamusta ako kasi ni "toooot" kanina. Dapat mag uusap kami ngayon kaya lang di ko na siya inabutan. Hay.... Yun lang. Pauwi ako sa bahay, sa kalye, nakatingin ako sa labas ng bintana. Nakaramdam nanaman ako ng lungkot at pag-iisa. Pero ayoko nang isipin na dahil hindi naman talaga ako nag-iisa eh. Nandiyan yung pamilya ko. Pati na rin ang mga kaibigan ko. Pero ang hirap. Kung minsan, gusto ko lang na makausap siya. Makasama. Kahit hindi siya eh. Pero mas okey kung siya. AAAAAArgh. Hindi rin ako in-love. Hindi diba? Kalokohan kung oo.
Ano kayang mararamdaman ko kung nag usap ulit kami ng personal? Tuwing nangyayari yun dati, nanunumbalik lang yung nararamdaman ko para sa kaniya. Pano ngayon? Ganun parin kaya? Kahit na nakapag paalam na ako sa kaniya --sa workshop? Alam kong hindi tunay na buhay yun, pero malaki narin ang naitulong nun sakin. Hindi ko alam. Hindi ko alam.
1 Comments:
you really miss him, ano? i know how you feel. :)
7:34 AM
Post a Comment
<< Home