Tuesday, November 02, 2004
Tamad. Hipokrito?
Hindi ako dapat tinatamad magsulat. Sabi ko nga last sem: "the more you create the more you learn". pero wala... umiral parin ang katamaran. Katamarang mapagbibigyan. Bakit? Dahil Sembreak! Oras na sadyang inilalaan para sa isip at katawang pinagod at piniga ng nagdaang semestre. pwe! :)
Anung ginawa ko nuong sembreak? Wala. Wala at wala. Gabi gabi natutulog ng iba't ibang oras. Nagbabasa minsan, minsan tumatanga lang. Kadalasan tumatanga lang. Walang saysay. Pero gaya ng sinabi ko, okay lang din maging walang saysay paminsan minsan. Anung haharapin ko bukas? Sa panibagong semestre? Bawal ma excite...
May sikreto ako... kinuha akong gumanap sa isang pelikula. Tungkol sa birhen ng Manaoag (iyon ang sinabi sa akin). Maliit lamang na parte... Pero hulaan niyo kung ano? Mama Mary. Pumunta ako sa screening dahil lang gusto ko nang itigil ang ugali kong agad agad na umaayaw sa kahit na anong bagay na di pamilyar. Pero kalahati ng isip ko, umaasang hindi ko nalang makuha ang parte. Pero hindi. Pag dating ng gabi nakatanggap ako ng mensahe na nakuha ko raw ang parte. Maximum of two shooting days lang kaya siguradong maliit na parte lamang.
Bakit ayaw ko? Dahil iniisip ko nanaman ang iisipin ng ibang tao. Sakit ko na ito. Pero pwe! Ayaw kong magpaka hipocrito. Ayaw kong isipin ng iba na tinanggap ko ang parte na iniisip kong kaya kong bigyang hustisya ang parte. Hindi! Hindi at hindi. Pero hindi nga ba kaya tinawag na "acting" ang acting? Dahil sinusubukan lamang natin isalarawan ang mga katotohanan. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Umaasa ako na magawa ko ang hinihingi ng direktor at higit pa. Sana wala nalang makapanuod.. hehehehe.
3 Comments:
hindi ko alam kung kailan at kung anung title pa eh. ipapadala palang yung script. magsisimula palang ng shooting.. kaya hindi ko alam kung kailan pa nila ako kakailanganin. wala yun... pero salamat narin!
1:36 AM
tama! at manood ako! ang galing-galing ni ina babes! sabihin mo kung kelan ipapalabas ang iyong sine (nyahaha, parang bida ang dating nito!)...
5:22 PM
ayan. hindi na tuloy tayo nakanood ng lady of manaoag. haay, pag lumabas nalang yung vcd, manood tayo! hehe.
4:34 PM
Post a Comment
<< Home