Monday, October 18, 2004

tik-----ekekekekek...

I just came from rehearsals in Ateneo. Wow, first time i''ve ever seen the parking lot near ctc completely vacant! Anyway, ....tagalog nalang... super saya ng rehearsals namin kanina. tawanan ng tawanan ang lahat. tapos yung opening number palang hindi na ako maka sayaw ng maayos kasi tawa ako ng tawa. yung iba rin hindi rin maka kanta na. Kinailangan namin ulitin ng ilang beses pa para lang tumino. haha.. pero kahit si sir ricky tawa rin ng tawa. so that's good. yung mga TA ba naman eh.. ang hyper talaga ng lahat!

Haha.. may blooper pa ako. Again ang hirap ipaliwanag sa ganitong paraan pero susubukan ko narin... mayroon kasing eksena sa LAM-ANg kung saan magmumukmok at magtatantrum si Lam-ang dahil wala siyang ama. Tapos pagsimula niyang mag tantrum ako una niyang makikita kaya kukunin niya a ko at itatapon. hahaha... eh kanina...hahaha.... hhaahah.. rinerehearse lang yung blocking.. tapos pinapakita ni Randy (yung dancer) kay Felix (si lam-ang) kung saan ako hahawakan pag itatapon na. eh hindi ko alam na itutuloy niya..hahaha... so tinapon ako tapos lumipad talaga ako tapos bumagsak ako sa pwet ko! hahahahaha!!!! pero siyempre alala sila akala nasaktan ako! buti nalang yung puwet ko sa laki parang naka but pads narin! alam mo kung anung nakakahiya????? nanduon kasi sa audience si SIR LABELLA!!!! ooh my gaaaahhhhsssshh... talaga! hahaha! iniisip ko kaagad kung anun iniisip niya~!#%@$

anyway, tawanan kaming lahat after nun. tapos banda huli bigla nalang namatay energy ko. sobrang tamad na ako ngumiti... tapos pag dating dun sa part na sasabihin ni lam-ang

"Tandang! Tilaok!!!"
sabi ko:
"tikkk...ehkohoho...."
haha.. hindi na kaya ng powers ko tumilaok! nakakahiya! haha... anyway... nakakahiya talaga kailangan ata magredbull ako bago n itong show na to. act 1 palang pagod na ako.

on a positive note, (anung positive? eh kanina pa ako humahalakhak sa blog.. ang labu) before i went to the RMT dumaan muna ako sa dela costa. nakakagulat talaga ang nakita ko. B+ ako? hindi ako makapaniwala. kasi yung orals ko ang dami dami kong sinabi pero yung mukha ni migs (haha... panindigan ang nickname) nakakunot na yung nuo niya. tapos palagi nalang siyang..: "huh? can you explain that? are you sure?" mga ganun. kaya naisip ko talaga... sheeet.... actually napa shet talaga ako. sabay sabi niya.. "tamo ikaw talaga pinaka bad girl sa kanila nagmumura ka pa.." ay sorry ah. hehe. hindi ko alam pano nangyari yun. hindi ko talaga kagagawan yun. dahil talaga yun sa mga nag pray para sakin. kaya...

"shout for joy! sing His praises.. lift your vooo-ice unto the Lord! cummon lets shout for joy!" grabe talaga milagro yun. yunlang.. miss na miss ko na mga blockmate ko. serioso. nasanay na ako na nakikita kayo lage. at nakaka tong-its. haaayy.. im reading a book right now. (hindi pa harry potter yumi:) sunod na yun) ang title niya "Second draft of my life" naintriga ako kasi tungkol siya sa writer.. obviously... la lang. para naman okay. easy reading... sarap ng sembreak no?

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

kakaba-kaba ka.. pero B+ ka? tama ba yon!?!?!?! hahahahaha...

7:50 PM

 

Post a Comment

<< Home