Tuesday, October 12, 2004
Thmall thircle thmall thircle...
Miss na miss ko na ang pagdidirek! Pero ngayon shashatap na ako dahil hindi na maganda ang naidudulot ng kahibangang itoh. Siyempre high A ako sa directing--dapat lang. Pero ang iba ko naman subject nanganganib na. EEEEkkkkk... Yung history test ko nung monday parang iniyakan ko na walang luha. Pigangpiga na utak ko. Pano kasi binasa ko lahat the night before. Bagsak na talaga ako duon... Sana magmilagro. Aabot pa kaya ako sa QPI?? Tapos kanina naman nagtest ako sa teolohiya... naks... tagalog kuno.
*meanwhile... nagyoyosi si daddy...tinaas ko yung hood ng jacket ko sa buhok ko. sabi ko "mangangamoy buhok ko kaka shampoo ko lang!" sabi naman niya "ako rin naman eh!" eh wala naman kinakapitan yung amoy sa buhok niya eh...niyeehehehehe....*
Anyway, hinabol ko in kanina yung portfolio ko para sa non-fic. May nakakatawang nangyari.. kao mahirap kayong matawa dahil hindi niyo kilala yung tinutukoy ko. SI cerz oo kilala niya. SI jet, yung kaklase ko sa Directing (sory directing nanaman) dumating nung nagcocomputer ako sa RSF. Tapos tinabihan niya ako. DUn siya nagcomputer.. eh may lisp yun... tapos lagi namin pinagtatawanan at inaasar ni dino. nakakatuwa siya kasing asarin dahil pikon na pikon talaga. Pero i've decided na indi ko na siya aasarin kasi kawawa naman baka matampal na ako. En den! sabay bati siya sa akin:
"ina! kamuthta?"
"okay lang. ikaw?"
"lam mo ba apat ang finalth ko today?"
(natatawa na pero nagpipigil...) "talaga?"
computer computer pa kami... maya maya kausap niya yung nasa harap namin na computer, ka group ata niya or something. sabi niya: "anung gagawin dito?"
"lagyan mo lang ng mga circle circle.."
sabay kanta si jet:
"Thmall thircle thmall thircle,, biiiig thircle"
tawa siya ng tawa sa joke niya. ako naman, hindi nakapag pigil tawa narin ng tawa! mwahahaha... tapos sabi niya sakin:
"bakit? ikaw kasi eh lagi kang naka thimangot.." mwahahahaha...
sorry po.. i know it's bad to make fun of people who are a little bit different.. pero at least he made my day diba? sobrang depressed ko na kasi kanina dahil sa mga exam ko. eh ayun, tawa galore ako pag labas ko sa RSF. hmm.... mukha siguro akong may topak nun.. .babaeng naglalakad sa ilalim ng ulan, walang kasama, tumatawa...
marami pa akong kuwento. lalo na tungkol dun sa cast party namin nung saturday. pero tsaka na. kelangan ko pa mag-aral. kailangan yun mahabang buelo. para thwabeee... niyahaha.... tharap tumawa! hala baka mahawa na ako sa lisp niya. :)
1 Comments:
haha.. ina talaga. what if nababatha ni jet yung thinuthulat mo? tapoth nakikita nya na thya yung topic mo? halaaaa.... hahahaha....
pag natapos na yung sem at sembreak mo na, kwento mo yung buong nangyari sa cast party... hehe... dapat pala nung after history tapos nakita natin si brown, ininggit mo na.. sayang, wala ka nung cast party, ang saya. style yon. pramis. anyway....
pwede kaya naten imbitahin yon sa fine arts festival? hwahahaha.. tama na yumi. aral na sa philo.
8:18 PM
Post a Comment
<< Home