Monday, October 04, 2004
Ang helmet ni Ina
Hangover parin ako. Pasensya na kung puro ganito nababasa niyo... Pero di magtatagal magbabago rin naman ang ihip ng hangin. You can't step on the same river twice. Ano? =)
GUsto ko lang ikuwento kung anung pinagdadaanan ko, o pinagdaanan ko.. Ang galing talaga ng kurso ng pagdidirek. At kahit na medyo nakakainis sa pagaka-biased yung titser (biased nga ba?) and dami ko paring napulot. Ayun o... tissue sa sahig na nakapulupot... i.d. sa hallway... hehe! si cerz kasi nagnakaw ng i.d. na nakita namin sa EDSA walk. =) labyu cerz! anyway...
Iba talaga ang dating sakin ng kurso na 'to. Bakit? Kasi para ngang may nagising o napindot na switch sa loob ko na hindi ko alam may silbi pala. Unang papel na isinabmit ko kay Yan yung sa textual analysis ng dulang FRESHMEN. At nang ibinalik niya sakin yung papel ko nakita ko sa dulo ang komento niya: "Try to keep an open mind throughout the sem" Parang ganon. Hindi ko lang sigurado kung ano yung eksaktong nakalagay. Pero ang unang reaksyon ko nun: "Eh pakelam mo ba eh kung sa 'yon ang opinion ko". Dahil sa inis ko, lagi ko nang iniisip yung komento niya. Parang nakakainis kasi. Hanggang sa isang araw bigla kong naisip basahin ulit yung ginawa kong papel. At duon nakita ko na sa pagkakasulat ko pala iba talaga ang dating ng sinasabi ko sa totoong gusto kong sabihin. Try to keep an open mind. Oo nga. Bakit nga ba ako pumalag agad sa sinabi niya? Sarado nga ang isip ko.
Dito ko nasimulang maintindihan na hindi pala sa opinion mo lang nagwawakas ang lahat. Pag sinabi mo palang "Panget" and isang bagay puwede mo naring murahin ang sarili mo dahil porkit ba pangit para sayo pangit na talaga? Bakit naging pangit? Napilitan akong pag-isipan muna ang mga sinasabi ko bago ako magsalita. Ang galing hindi ko alam kung sinasadya gawin yon ni Yani. Malamang hindi. Pero para narin niyang binasag helmet ko.
1 Comments:
hindi ko kinaya ang iyong tagalog. hahaha... grabe ang hang-over niyo ni cerz sa directing! pati ako nahahawa. ow well, sa play lang ni cerz actually. pero kung napanod ko siguro yung play mo, mababaliw din ako. ang alam ko lang.. bang at bull's eye lang.. hehe... tama ba i-encorporate yung play ni cerz sa film kanina sa history? ahaha... pero in fairness, ang ganda nung setting sa film. akmang-akma sa play ni cerz. black and white nga lang. hehe.. anywho... don't hang up ina! or else... i'll spAAnk you!
7:35 AM
Post a Comment
<< Home